Nakikiisa ang Solido National High School sa pagpapalaganap at pagbibigay halaga ng wikang Filipino bilang instrumentong nagpapalaya, ngayong Buwan ng Wikang Pambansa 2024.
Binibigyang diin ng pagdiriwang ngayong taon ang temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya,” na naglalayong ilaan ang Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi sa kasaysayan ng bansa at ng wika.